Istorya

July 31, 2020


Kuhang litrato kaninang umaga.
 Ngayon nalang ako uli nakasakay sa tren. Dalawang buwan. Isa 'to sa mga bagay na nawala sa sistema ko.

Gising sa umaga, Maliligo at Magbibihis, lakad papunta sa istasyon ng tren, sasakay at bababa ng tren, lakad ulit. bibili ng almusal at kape, awkward elevator ride (swerte pag napaaga at walang kasabay), trabaho, fast-forward to 6pm. Lakad. Tren. Lakad. Bahay. Bihis, Hapunan. Netflix, Libro kung sinipag. Tulog. 
Gising na, Umaga nanaman.  

Araw-araw na ganyan.
 Nakakatamad rin, paulit-ulit. Pero iba parin sa pakiramdam na normal ang lahat. Lipas na ang pitong buwan, malapit nang mamaalam sa taon, pero ganito pa rin tayo.

 Takbo, lakad, gapang.
 Kahit anong kilos, okey lang. Wag ka lang titigil.

 Ayaw ng mundo yan. 

Nakakalungkot kasi na kahit sa ganitong sitwasyon, pinipilit parin tayo na umayon sa galaw. Pero kung nahihirapan, wag mag-atubiling mag-pahinga at huminga. 

----

Nakapakinig ako ng isang podcast nung nakaraang araw, binanggit nya na parang naging time capsule nya ang blog. Kaya naisipan kong bisitahin yung mga luma kong entries. Sinimulan ko nga pala 'tong blog nung pagkalabas ko ng unibersidad. Nakakatawang at nakakatuwang balikan kung paano ako mag-isip noon. Mga naranasan, kahit simpleng ganap sa buhay. Kaya eto, tuloy lang ako sa pagkwento, sa paglabas ng mga naiisip. Para sa mga susunod na taon, meron ulit akong babalikan at sasabihan ng:

Wow, ang lala ng 2020. Kinaya natin?

Kaya kapit lang, ha?


You Might Also Like

0 Comments